T.L.Y.



"T*ti lang 'yan."

(Disclaimer: Hindi ko dina-downgrade halaga ng mga kalalakihan sa post na ito. Basahin upang maunawaan.)

Ito 'yung paborito kong linya ni Tricia Echevarria sa pelikulang Die Beautiful. Kung katulad mo ako kung pa'no ako with boys no'n, ma-ge-gets mo kung bakit ko ginawang mantra 'to ngayong 2017.

Masyado kasi akong boy-crazy dati. Hindi ko man aminin, pero ngayon masasabi kong, "OO NGA NO. Nyay." 

Ako 'yung tipong madaling mawindang 'pag nagkagusto ako sa isang lalaki. ALL OUT. Tipong siya lang halos laman ng kokote ko, tapos mag-po-post ako sa Facebook about him, tapos 'yung mga gusto niya, gugustuhin ko rin as long as totoo namang may slight interest ako sa mga bagay na 'yun. Ayun nga lang, imamagnify ko bigla. TODO. Ako 'yung tipong bibitawan lahat nang mga dapat kong gawin 'pag niyaya ako ng crush ko, tapos 'yung schedule ko bigla kong i-a-align sa schedule niya. Ako 'yung tipong mag-rereply in less than one minute kasi ayoko siyang mag-hintay. Ako 'yung tipong mag-aadjust ng personality ko para maaliw siya sa'kin. Siya laging topic ko sa mga barkada ko, kahit wala namang significant na nangyayari o kahit hindi naman siya great. Good lang siya, ganon (minsan nga bad pa). Pero sa utak ko nilagay ko na siya sa pedestal. Ako 'yung tipong magbibigay ng 80% para mabuo 'yung 100% sa 20% na binibigay niya. Ako 'yung mag-so-sorry kahit alam kong kasalanan niya at siya 'yung may mali, 'di dahil sa mabuti akong Kristiyano, pero dahil lang ayokong magalit siya. Ako 'yung tipong papayag makipag-boyfriend sa taong nakachat ko lang, kahit ayaw niya akong kitain sa personal, kasi ganun ako kadesperado.

Kapag wala naman akong gusto, gugustuhin kong magkagusto. Gets mo? 'Yung mag-e-effort talaga ako mag-hanap ng lalaki; that means Tindr, Scout, night clubs, ganern.

A N G   L U N G K O T .  I'm so glad I'm over my boy-crazy phase.

Ang totoo kasi niyan, kulang talaga ako sa ~male attention~. Growing up with my single mom and her single mom, wala talagang lalaking nagturo sa'kin kung pa'no ako dapat tratuhin, kung ano ba talaga ang tunay kong halaga. Kaya 'yun, mapacute-an lang ng konti, mabaliw-baliw na ako. Wala rin naman akong naging role model in terms of godly and real manhood. E ganun e.

Ang saklap.

Ang saklap dahil napakababa ng standards ko n'on with male friendships and man-crushes. Dati, okay na'ko sa inuman, clubbing, tambay-tambay lang. Okay na ako sa isang "hey" text at konting dinners para ibigay ko katawan ko. Okay na'ko sa "swag" at "cool" at "porma." Pero kung depth, conversations, spiritual maturity, at character lang rin... WALA.

Itlog.

Hangin.

NGANGA.

Minsan kailangan mo talagang magsawa at mandiri para tuluyan kang bumitaw sa mga bagay na hindi na nakakabuti sa'yo. Minsan, kelangan mong piliin na mag-take ng responsibility over your womanhood and value, kasi tulad ko, minsan, wala talagang magtuturo sa'yo. Kelangan mong bumangon at effortan 'yun mag-isa. Tama na excuses. Nakakasawa na. Para sa'kin, nag-umpisa 'to nung simula kong hanapin kung 'yun lang ba talaga ang worth ko.

'Yun talaga 'yun, dahil kung alam natin 'yung deserve natin, hindi tayo mag-se-settle for less. Hindi tayo papayag makipagjowa sa isang taong dinaan lang tayo sa text, chat, at pacute. Hindi tayo bubukaka dahil lang nailibre tayo ng iilang dinners at drinks, o kaya nabigyan ng magandang regalo, o kaya dahil lang foreigner na macho naman at may abs. Hindi tayo mag-papaloko at magbubulag-bulagan kahit iba 'yung sinasabi niya sa ginagawa niya. Hindi na tayo magpapagamit at papayag maging side-chick dahil "at least meron," o kaya, "nahulog na kasi ako sa kanya."

We're far better than that. WAAAAAAY, WAAAAAAAAAAAAAAAAAY BETTER THAN THAT.

Ang punto ko lang, bes, ay reyna ka. OO, TOTOO. Pang-royalty, ganoigne! Hinayaan ng Diyos na mamatay yung kaisa-isa Niyang Anak para sa'yo. Hindi ka pang buy 3 for P100 na price. ACTUALLY, HINDI KA PWEDENG PRESYUHAN kasi hindi maaaring sukatin ang halaga mo sa sobrang laki nito. Please do not shortchange yourself. 'Yun lang. Huwag kang pumayag sa "okay naman siya, pwede na, kesa wala." Hindi ko naman sinasabing mag-karon ka ng unrealistic standards sa lalaki ha, hindi ko sinasabing humanap ka ng Mister Perfect. Wala n'on. Walang ganon. Pero magkaron tayo nang standards. Kung hindi maabot ni kuya 'yun dahil 'yung standards mo eh abot ceiling na para sa kaniya at para sa'yo eh sahig pa lang 'yun, BID HIM GOODBYE. Don't compromise your non-negotiables. Real men respect standards, go get some!

At 'wag na 'wag kang mataranta 'pag bigla silang nagsi-alisan sa buhay mo 'pag nag-demand ka ng standards. Isa lang ibig-sabihin no'n, lume-level up ka na, nagwo-woman up ka na, and hindi lahat ng lalaki sa buhay mo kayang mag-step up tulad mo. May maiiwan at maiiwan ka. Okay nga 'yun eh, makikita mo talaga tunay na kulay nila (unless bet mo lang mag-tanga-tangahan, pwede naman). Magpasalamat ka na lang na natatanggal na 'yung mga totoy na wala namang naidulot na matino sa buhay mo. Hayaan mo, sa tamang panahon darating naman 'yung mga tunay na lalaking meant to be para sa'yo, mapa-kaibigan man o potential bufra.

How you love and respect yourself will teach others how to treat you the same.

Be confident in who you are and WHOSE you are. You are a queen. Isa kang reyna, at ang mga reyna, hindi nawiwindang sa mga (po)totoy. They are unshaken because the lion doesn't lose sleep over the opinion of a sheep.

Tandaan ang sabi ni bes Tricia:

"T*TI LANG 'YAN."



Suot mo muna korona mo, besh.
—D

Share:

1 comments

  1. Haha. Thanks for this. Sayang late ko na nabasa. I dont know pero pag Nkikita ko po mga post mo i feel inspired and positive about myself.

    ReplyDelete

Copyright © 2015 The Danah Soars. Designed by OddThemes | Distributed By Gooyaabi Templates